Wednesday, June 24, 2009

ayoko na ng pink

Mula ngayon, ayoko na ng pink. hindi na ko titingin sa pink. masyadong malambot. masyadong mahina. masyadong hindi ako.

PINK
-ang kulit, sinabi ko ng ayoko na sayo.

VOYAGE EDITING
- ok to. marami akong natutunan. biro mo, kaya ko palang mg-edit ng 30 hours straight? whew! basta ok ang kasama mo sa editing, ok ang kalalabasan nito. Pero xempre, ibang usapan na kung ang cameraman mo ay pasmado. Yung tipong naka-tripod ka na at naibigay na ng producer ang gusto nyang shots eh pagdating sa editing, right click-speed duration-50 less- parin ang tira ng editor sa video mo. patay! buti kung beauty shots at establishing lang ang kinukuha mo. Pano na kung action shots? sigurado, mang-gigigil ang producer mo, titingin ng masama sa editor, biglang mghahananap ng bagong video. (eh yung materials parin ng parehong cameraman ang meron ka) Kalbo na ang producer mo, probleblamado pa ngayon ang editor mo. Patay!
Lagyan mo ng cutaways yan! (Translation: Pangit ng video mo, boring, lagyan mo ng ibang mukha) Ooopps, ano yun? (Translation: Editor kaba ? bakit may pitik yang video mo?) hahahaha!

actually nakakatuwa nga eh. hehehe. nakikita mo ang gulo ng industriyang ginagalawan mo. Pag sumabit ang isa, sabit lahat. Opisyal na pumapasok nga lang sa isip to kapag editing na. kapag ieere na, kapag andyan na, kapag nakalatag na at naisip mong- teka, anak ng, my mali! sabit! sinong?

sabay-sabay na titingin sa huling taong humawak ng proyekto.

THE ALCHEMIST by PAULO COELHO
- Binabasa ko ulit. Dahil sa wala pa kong pambili ng bagong libro, nanghiram muna ako. Inuumpisahan ko ulit.
Gusto kong bigyan ng justice ang pagkukwento sa librong to, pero dahil hindi ko pa natatapos "ulit" hindi ko muna iku-kwento.




No comments:

Post a Comment